Monday, February 18, 2008

Nagparamdam

hmmm... matagal na hindi ko nalagyan ng laman ang blog ko! tamad kasi maglagay dahil wala naman masyadong happening. pero sa araw na ito medyo masaya kasi ang aking lost special friend ay nagparamdam. mabuti at naisipan ako itext. kwento sa buhay-buhay at kumustahan sa mga lattest updates namin. wala naman bago kundi ang mga iba't ibang pakikibaka ko sa pang-araw-araw. eh sya rin nakikibaka sa windang-windang n'yang buhay na s'ya rin ang may gawa hehehe...

Panagbenga festival na sa saturday at sunday...mukhang masarap punta sa Baguio City hmmm....doon kaya ang susunod kong adventure after the Tagaytay despedida of my ever dear seatmate at officemate na si Gracie? kapag may pera go ako kasama ang bestfriend ko. Its my annual ritual manood ng panagbenga parade at mamasyal sa city of pines na usual kong tambayan kapag nababagot ako sa Manila. sino pa kaya ang susunod na magpaparamdam?wag lang patay at naku dati na akong takot sa kanila hehehee...