Tuesday, January 15, 2008

Isanng Umaga

Umaga na naman..bilisan mo at malate ka na naman...nakakatamad pumasok pero kailangan. haaayy! Pagdating sa terminal ng biyaheng Ayala Makati haaayyy...pila na naman! naku! late na naman ako malamang =( Kainis! maaga ka na ganito pa din. Hindi na ba mauubos ang mga nanghuhuli ng mga sasakyan. Pero sige hintayin mo na lang kaysa mainis ka na naman. Well, dumating di ang sasakyan after 20 mins na paghihintay. Biyahe na naman at after 1 hr nasa office na. Buti pagdating ko sa office may gagawin na ako. Hindi na ako magkukunwari na naman na may gagawin =) Napansin ko sa ang station may isang bracelet na galing sa hindi ko alam kung kanino. Nagtanong ako kung kanino ito galing? Ang sagot nila kay Jan gurl galing sya ng Bohol at ang pasalubong ay bracelet na may dalawang cute na dolphines at my pearls na ornaments...Nagpasalamat ako sa kanya at simula ng nang trabaho. Wala pa kaming sweldo. Ewan ko kung anong nangyari kahapon pa wala naman. Nagcheck ako sa account ko pero wala pa din...Makapagcheck mamaya at malamang meron na yun. Nagbakasyon lang na-late na ang payday namin hehehe...Malamang naloka na naman ang ATM machine sa dami ng transactions nila hehehe....

Late

Ay naku! bagong umaga na naman...dalawang araw na akong late. Kakainis...ang hirap sumakay. Pano nagkakahulihan na naman ng mga sasakyan dun sa area namin. Kahit maaga kang umalis ng bahay pagdating sa terminal wala ka naman masakyan. Nakakbagot ang paghihintay sa mahabang pila ng mga nag-oopisina sa Makati. Nagpalipat na nga ako ng oras para hindi malate pero wala late pa din. Mabuti pa mas maaga ako ng 1 hr pa para sigurado na hindi ako mahuli na naman... Pagdating sa office wala pa akong gagawin kundi maghintay kung may magagawa ako. Nakakainis malate ka pagdating mo sa office uupo ka lang para maghintay ng gagawin. Haaayyy...mastress ka sa walang dahilan lang. Masarap pa sana matulog kaso nakakainis kailangan mong gumising para pumasok sa opisina...Simula pa lang ng taon ganito na. Sabi nga ng kasama ko take your time kasi kapag dumating na ang load mo eh hindi ka na naman makausap ng matino sa dami ng trabaho mo. May punto s'ya pero sa ganitong sitwasyon mas gusto ko pa matulog sa bahay kaysa ganito wala lang nakaupo at naghahanap ng gagawin....

Sana bukas hindi na ako late at may gagawin na ako ....ay meron pala ang mag-upload ng mga napdf ko. Pagkatapos wala na naman pahinga....

Bagong Taon, Bagong Buhay? Ito ay bagong Adventure na naman ng buhay

Ang People's Park kapag walang Fog...kuha ko ito sa lugar 2 years ago kung saan Nag-New Year ako sa bahay nila kuya...photo taken dec 31 2005


Reminiscing the passsssttttt...








January 1, 2008 (lower photo)






January 1, 2008

Simula pa lang ng taon ang aking destination sa Tagaytay...Yep..yep..yep Tagaytay sa lugar ng pinsan ko. Sinundo kami ng aking kuya sa bahay para mamasyal sa Tagaytay. Kasama ng aking mga magulang at isa ko pang pinsan pumunta kami ng Tagaytay. Biyahe na naman Malamig ang simoy ng hangin. Si kuya late dumating pano may hang-over pa kagabi. Buti na lang at hindi ako nag-New Year sa kanila. Pati ako lasing din for sure. Tinamad akong pumunta kasi sobrang trapik at may ginagawa akong kailangan kong tapusin... Naghiwalay ang taon kulang ako sa tulog. Unang New Year na wala ang aking nag-iisang kapatid. Nagtrabaho sa Singapore bilang nurse. Kaya naiwan akong mag-isa sa Pilipinas. Patuloy sa pagbiyahe kwentuhan sa loob ng sasakyan. Ako tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Mararamdaman mo lang ang lamig ng simoy ng hangin pagdating ng Silang Cavite. Malapit na sa Tagaytay....Nagshort-cut si kuya para madali daw kami....Pero sa halip na mapadali ayun tumirik ang sasakyan. Ay naku! may hang-over nga...nakalimutan icheck kung may gasolina pa...3 mechanics ang kasama ko sa loob ng sasakyan pero eto tinirik kami sa tahimik na short-cut daw....Si kuya bumili ng gas habang kami naghihintay sa kanya....Mga 20mins din bago kami nakaalis sa lugar. Tuloy sa pagbiyahe hanggang nakarating kami sa main road papuntang Picnic Groove kung saan malapit ang bahay nila kuya....Dumaan kami sa masasabi kong naimproved na mga establishment sa lugar. May isang taon na rin nang muli akong bumalik sa lugar. Makikita mo ang ganda ng Taal Volcano habang kami pa papalapit sa kanila bahay. Naalala ko tuloy noong dinala ko ang aking mga kaibigan na magtrek papunta sa bibig ng Taal Volcano. Sa Nasugbu kami dumaan pagkatapos nagbangka kami papunta sa isang parte na dati dito daw una pumutok....Dinala ko ang mga kasama ko mismo dun sa lawa sa bibig na Taal makikita mo mismo ang islets sa gitna...Alert level 3 nun kami pumunta. May kasama naman kaming guide sa area... reminiscing ba talaga....


(check picture sa part na ito sa itaas)


well balik sa aking kwento...

Nakarating kami kina kuya....Kumustahan sa aking ate at isa iba pang mga kaibigan masayang kainan at kwentuhan.... Ako nakipagkwentuhan at nakipagbiruan sa aking mga pamangkin nadalagita at binata na hehehe...Mukhang napag-iwanan na ako ng panahon hahaha....Si kuya naman ay nagyaya na ipasyal ang mother at dad ko sa People's Park....Sabi sige go para may magawa naman....Sakay ng kanya owner type jeep umalis kami sa bahay at pumunta sa People's Park. Sa aming pagbiyahe unti-unti na dumilim naku! malas nagfog...kumakapal ang fog at umuulan na pakiramdam ko ang ulap ay nasa malapit na...Pagdating namin sa area ang sasakyan ni kuya nakarating sa itaas na parte ng People's Park. Kilala nya ang ilan na nagbabantay sa Entrance. Pagbaba namin ay sumalubong na ang kapal ng fog malamig na sobra. Ang jacket ko ibinigay ko na sa mother ko kasi nanginginig na sa lamig. umakyat kami sa gawing part itaas kung saan kung wala fog eh makikita mo ang view ng buong Batangas, Cavite at karatig bayan...pero wala akong nakita sa mga oras na yun kundi fog fog at fog. Ang ganda ng New Year haaaayyyy.... Nagyaya na si mother na bumalik sa bahay kasi wala naman daw makikita. Si dad naman dala ang kanyang telescope pero hindi nagamit. hehehe...So bago kami bumalik nagpapicture na lang para kahit pano may nagawa....Biyahe pababa....kwento dito kwento dun. Ako ayun naangihan ng ulan pano nasa gawing tabi ako. Ang sabi ni kuya papapsok kami sa Picnic Groove...Pinuntahan namin ang lugar pero wala umikot lang kami ang daming tao sobra. Ako ok lang na hindi na bumaba kasi ilan beses na ako nakapunta dun eh. Kapag walang magawa sa bahay punta ng Tagaytay wala lang pasyal pang-alis ng bagot sa bahay....Bumalik kami sa bahay para iready ang mga gamit at uuwi na kami ng Manila.... Back to barrack hehehe...nagsnack pagkatapos inaayos ang gamit at umuwi na kami....Ang ganda ng Bagong Taon adventure ba na masasabi ito or hindi pero isa lang ang masasabi ko unang pasok ng taon nasa Tagaytay ako hehehe....

Monday, January 14, 2008

Sagada Adventure







Magpapasko na hindi pa rin matigil ang sa pag-alis ako. Dec 20, 2007 after ng Christmas Party sa office pupunta kami ng Sagada Mt Province kasama ang aking mga kaopisina. Matagal na naming plano na pumunta ng Sagada pero hindi matuluy-tuloy pano busy sa trabaho kaming lahat at hindi magtagpo ang aming mga skeds. A week before nagpasya na kami 8 na tumuloy sa Sagada. Kumuha ako ng ticket sa Autobus na nakabook ng Dec 20, 2007 10pm ng gabi papuntang Banaue. Nagtrabaho lang kami hanggang dumating na ang takdang araw. Christmas Party na ng office at Christmas Party ng moutaineering Organization kung saan ako kabilang. Nagkasabay pa sila. Hindi na ako kasama sa Org party kasi paalis kami ng Sagada.

Dec 20, 2008 9pm
Kaming 4 si Bennie, Lorie, Ako, at Myles ang sumakay ng taxi papuntang Autobus terminal sa España. Pagdating namin ay kumain muna kami sa KFC habang hinihintay ang 4 pang kasama namin. Si Dannie na manggagaling ng Tondo, si Gina na manggagaling ng Alabang at ang magkapatid na Donna at Nes na manggaling pa ng Las Piñas. Unti-unti silang nagdatingan nauna si Dannie sumunod si Gina. Pero ang magkapatid wala pa. Pasado 9pm pero wala pa sila. Ang ginawa ko pumunta na kami sa terminal para maayos ang aming mga gamit. Sa ilang sandali dumating na ang bus na aming sasakyan patungong Banaue, Mt. Prov. Sabi ko sa mga kasama ko sumakay na kami at dun na lang hintayin ang magkapatid. Sa loob ng bus naiayos na namin lahat ng gamit pero wala pa rin si Donna at Nes. Nakatanggap kami ng text message na malapit na sila sa area. Ang abalang conductor ay naglakay ng extra monoblock na upuan sa mga hindi nakareserved. Haaaayyyy...siksikan kami palibhasa peak season kasi. At isa lang ang biyahe patungong Banaue kaya ganun. Buti na lang at may reservation talaga.... Sa ilang sandali pa ang sabi ng conductor ay aalis na daw kami. Nakiusap kami na hintayin sandali ang 2 naming kasama na nasa kabilang side ng kalsada pa natumatawid sa overpass. Ang ginawa ko sinundo ko sa Mcdo para mapadali na kami. Umabot naman ang dalawa at sa ilang sandali pa ay umalis na kami ng Manila patungo Mt Prov. Tulugan na kasi mahabang biyahe.... may isang stop over pero depende na sa mga pasahero kung baba sila.

Dec 21, 2007 Banaue Mt Prov.
Dumating kami sa Banaue ng 7:30 am lampas na. Medyo nalate kasi madaming bumaba sa mga kalapit na bayan. Pagkababa ng bus si Lorie ay nagpareserve na agad ng tickets namin pabalik. Maayos naman ang magrereserve. Ako naman ay nakipag-usap sa isang local ng Banaue sa sasakyan. Sa isang binatilyo na ang sabe P250 head daw hanggang Sagada na at dadaanan namin lahat ng magagandang tanawin sa area. Nag-agree ako kaysa magcommute pa kaming 8. Ang sabi ko magbreakfast muna kami pagkatapos tuloy sa view deck ng Banaue Terraces para makita ng mga kasama ko ang pinagmamalaking terraces sa area. Ako kasi ilang beses na ako nakabalik sa lugar kaya bale wala na sakin ang nasira na rice terraces. Sa aming breakfast sa isang restaurant biglang nag-iba ang ihip ng hangin. gusto ng nakausap ko na isakay ang 5 koreans na nagbreakfast sa resto kasi papuntang Sagada naman daw. Wala ito sa usapan since maluwag ang sasakyan eh pumayag kami basta sila ang susunod sa IT namin. May isang lalaking lumapit sakin at ang sabi nde daw sila papayag na isakay namin ang 5 kasi may pila daw. Nagkaroon ng konting hindi pagkakaunawaan. Gumulo ang lakad. Pero nagkaayos din kami. Lumipat kami sa mas maliit na sasakyan na nagdala sa amin sa Sagada. Nagstop-over kami sa View deck ng banaue. Picture dito picture dun walang tigil at medyo nadismaya sila sa nakita nila. Malayo daw sa postcard hahaha....Pagkatapos namin ay biyahe na sa maalikabok at baku-bakong daan papuntang Sagada. Biyahe kami papuntang bontoc mt prov binaybay namin ang gilid ng bangin ng bundok na lagi kong ginagawa sa aking mga lakad at sa mga akyat namin sa mga bundok ng mga climbers na kaibigan at kasamahan ko sa organization ng mga mountaineers. Narinig ko ang iba't ibang expression sa mga kasama ko habang tinatahak namin ang Sagada. May natatako baka mahulog kami sa bangin, nalulungkot sa quarrying ng bundok, ang alikabok na pinaligo namin, ang malamig na simoy ng hangin, at iba pa. Ako hindi na bago sakin ang ganun tanawin kasi sanay na ako. Biglang huminto kami para magpagasolina sa Mt. Polis eto ang malamig na parte ng kalsada sa mt Prov. Pagkatapos biyahe uli hanggang marating namin ang Brgy Bay-o, Bontoc Mt Prov. Dito makikita ang terraces ng mga gulay at palayan na may kanya-kanyang disenyo na makikita sa kalayuan. Picture na naman walang tigil. Pagkatapos tuloy uli sa biyahe. Medyo tanghali na masyado nang late sa IT na ginawa ko. Tinext na ako ng aking kaibigan na local ng Sagada kung nasaan na kami? Ang sagot ko maglunch lang sa Bontoc town proper at tuloy na sa Sagada. Pagdating namin sa Bontoc town proper. Dumaan kami sa Bontoc Museum. Sarado kasi inabot na kami ng lunchtime. Naghanap kami ng malapit na restaurant at kumain. Pagkatapos balik sa Museum pero sarado pa. Kaya nagpakuha na lang kami ng picture sa labas. Hindi na lumabas ang nagbabantay kaya umalis na kami at biyahe na papuntang Sagada. Ang nakakainis dahil may ilang minuto na kaming bumibiyahe. Tumigil kami at ang sabi ng driver nagpapadagdag sya ng P500 kasi lugue daw sya dahil wala syang naisakay na pasahero. So wala na kami nagawa kundi magdagdag. Hindi na kami makahindi kasi wala na kaming masakyan na iba pang jeep. Kaya nakakainis. Hinayaan ko na lang ang importante eh makarating kami sa Sagada. May 45 mins to 1hr pa ang biyahe mula sa bontoc town proper. Kaya ang aming pagkainip ay dinaan na lang namin sa kwentuhan at tawanan habang bumibiyahe. Bigla na lang kaming nagulat ng makita na namin ang nakasulat na nasa Sagada na kami. Maraming directions ang nakaturo kung saan ka papunta. Ang sabi ko sa driver ihatid kami sa Residential Inn kung saan nasa unahan ng Yogurt House. Pagdating namin sinalubong na agad kami ng may-ari si Tita Mary. Isang maganda matandang babae na local ng Sagada. Tinulungan nya pa kaming magbaba ng aming mga gamit. Pagkatapos ay nagpakilala ako na ako ang nakausap nya sa text na nagpareserved ng matutuluyan. Nagkakwentuhan kami sandali. Hanggang umabot ang usapan namin sa nabanggit ko sa kanya na may kaibigan ako na taga-Sagada. Tinanong ako kung sino? Ang sabi ko si Barry ang anak ng may-ari ng Bamboo Grill. Nagsmile si Tita Mary kasi si Barry pala ay student nya nun gr 5 pa ito. Dun ko namalaman na si Tita Mary pala ay titser at kamag-anak din nya si Barry. What a coincidence hehehe....magkakilala pala silang dalawa hehehe....Pagkatapos ng ilang sandali may natanggap akong text. Si Barry na pala tanong nya kung nasa Sagada na kami? Reply ako oo dito na sa Residential Inn....Magpahinga lang konti at puntahan na nya kami. Inayos namin lahat ng aming mga gamit. At sinabihan ko ang aking mga kasama na magready na at kami aalis para sa unang araw na activities namin. Pagbaba namin sa ground floor dumating na si Barry. Tumuloy na kami sa Sumaging Cave para magcaving. S'ya ang naging guide plus ang kanyang kaibigan na si Jay. Ang sabi ni Barry since 8 kami 2 guides ang kailangan. Habang naglalakad nagkwentuhan muna kaming dalawa kumustahan. Una kasi kaming nagkakilala nun Oct sa isang event ng Org sa Brgy. Ambaguio Nueva Viscaya. Nagkita na lang kami uli sa Sagada na. Kumustahan lang sa text at nag-uusap pati sa friendster hehehe....Napansin ko na nauuna kami dalawa. Ang mga kasama ko ay malayo pa samin.Humahangos na sila wala pa kami sa Cave. Brisk walk pa lang ang ginawa namin. Nakalimutan ko sabihin sa kanila na puro lakad ang gagawin sa Sagada hehehe... Napangit lang si Barry sa kanya napansin. Pagdating namin sa bibig na cave. Naghanda na sila dalawa ni Jay sa kanilang dala na pang-ilaw. Ako naman sinabi ko sa kanila na iready na ang mga headlamp para sa aming pagbaba. Ang lahat na mababasa ay isecure para mapakinabangan pa ito pagbalik. Bumaba kami ng cave pero nde nawala ang picture taking. Medyo nakakapagod ang pagbaba kasi malalim ang cave madulas ang mga limestones, maraming paniki at malamig ang temperature sa tunnel. Pakiramdam ko ay inilibing na kami ng buhay sa sobrang lamig n'ya. May takot pa naman ako sa height tapos ganun. Kaya sabi ko kay Jay yun isang guide wag ako iwanan kasi ako ang Sweeper ng group at si Barry ang Leadman. Narating naman namin ang parting ibaba. Masaya pero dahan-dahan kasi mamaya madulas eh mahulog ka pumalo ang sarili mo sa mga bato. Sa may parteng ibaba pa. Bumaba lahat ng mga kasama liban ako at si Gina. Napangunahan ako ng takot nun nakita ko ang dadaanan.Malamig ang tubig na inapakan namin at pakiramdam ko kapag binasa ko ng tuluyan ang mga paa ko ay pupulikatin ako. Yun kanilang binabaan ay parang madulas kaya nde ako bumababa. Pero sabi ng mga kasama ko nde daw. Ang bato ay makapit na parang panghilod makapit sa paa. Nagmatigas ako sabi maiiwan na ako. Naiisip ko nde pa maging ang injury ko sa likod ko. Kung may mangyari sakin eh pano ang mga kasama ko? Ipinagbilin ko na lang sila kay Barry at Jay. Bumababa sila lahat naririnig ko na nagkakasayahan sila. Yun pala si Barry ang ginawa nilang tuntungan para makababa pa dun sa parteng may maganda. Pagkatapos bumalik pa si Barry at sinundo ako para bumaba. Ang sabi ko salamat pero dito na lang ako. Ok na ako na nde sumama. Kahit ano mang pilit nya nde nya talaga ako naconvince na bumaba. Pagkatapos nagbalikan na rin ang aking mga kasama kasi ayaw na nila puntahan ang parteng mababasa sila hanggang dibdib para marating ang pinakamagandang parte ng Sumaging Cave. Sabi ko sa sarili ko pagbalik ko ng Sagada uli dun ko explore ang cave ng mas matagal. Umakyat uli kami at ako na naman ang Sweeper. Yun ang trabaho ko bilang nag-iisang nakakaalam sa ganun klaseng lakaran. Dahan-dahan kami umakyat hanggang sa may parteng nagkatuwaan pang nagpakuha ng pics bago nakita ang tuluyan ang liwanag ng mundo hehehe...Sabi nga ni Dannie salamat salamat nakita na namin ang liwanag hahaha....si Lorie naman ang sabi napakasaya ang ganda napakaexciting....tama naman silang lahat ok ang caving or speluking....
Pagkatapos namin ay tinanong ko si Barry kung saan ang susunod?

Ang sagot nya sa Lumi-ang Cave. WOW! 2 cave s 1/4 day na araw. Ako ok lang nde pa pagod. Ang mga kasama ko nakita ko na pagod na sila. Si gina at Lorie ay nauna na sa Inn at dun na lang kami hinintay nde na daw nila kayang bumaba. Si Barry ang leadman ksama ang mga officemates ko. Ako ang dulo sweeper ako. ayun puro pababa na lakaran. Nde naman mahirap kasi may hawakan naman at established ang trail nya. Ako sanay naman sa ganun lakaran. Hindi tulad ng mga kasama ko na medyo pagod na sila. Galing sa biyahe from mla to Sagada tapos napasubo sila sa adventure ko. Hindi na lang ako umiiik. Nakayanan naman nila. Pagdating namin sa cave ang unang tumambad samin ang mga kabaong ng Sugong Coffins ang tawag. Nilulumot na ito sa sobrang luma. Medyo nakakakilabot kasi takipsilim na nun nasa cave kami. Tinanong ko si Barry kung may mga laman pa ito? Ang sagot nya ay OO. Nyikes! pero picture pa din. Pinapanood nya kmi sa parteng itaas habang kami ay nilapitan namin ang mga Sugong Coffins....Ang sabi ni Barry ang ibang coffins daw ay pinakialam na ng mga dayuhan kinuha pero ibinalik din kasi may mga nangyari masama sa mga nakialam. Maraming mga EPAL din na dayuhan. Sabi ko nga kay Barry ang kapal ng mga mukha nila para makialam sa mga nde sa kanila. Sabi ko dapat may nagbabantay para sa mga mga Artifacts na ganun sa paligid nang hindi mapakialaman ng mga dayuhan o ng kung sino man. Ngumiti lang ang aking kaibigan. Pagkatapos namin ay umakyat na kami pabalik sa kung saan kami galing. Nauna na si Barry at ako na naman ang dulo. Pagdating namin sa itaas para magregroup. Ang sabi ni Barry magkita na lang kami sa Bamboo Grill. Dun nalang kami mag-usap para sa lakad sa susunod na araw at makipagkwentuhan sa mga iba pang nasa Bamboo Grill. Umalis na sya kami naman balik sa Inn para magluto ng aming dinner then wash-up then pasyal sa Bamboo Grill. Kahit may curfew sa area sabi ni Barry p'wede naman umalis basta wag lang maingay... so lumabas kami ng inn at pumunta sa Bamboo Grill ay naku! nagulat ako kasi nakasalubong namin ang roving patrol car ng police pero dedma tuloy ang lakad. Narating namin ang Bamboo Grill pinapunta kami ni Barry sa bonfire nila ay naku ang mga kasama ko ayun nangamoy uso hehehe...buti na lang ako nasa gawing gilid. Doon nameet namin ang ibang turista sabi nga ni Barry para daw United Nation ang dating. Pano naman may Malaysia, Indian, French, Australia, locals, at kami na taga-Maynila. Ang usapan eh kung ano ang tanong s'ya ang sagot. So para masaya ako ang bumangka. Kwento about sa mga napuntahan ko at tinanong ko ang ilan sa kanila kung saan papunta after sa Sagada. Yun couple na Malaysian at Indian ang sabi galing silang Mt Pinatubo. So nagkwento ako noong nagpunta kami sa Pinatubo via Sta Juliana trail na nagnight trek kami. Ang adventure na ginawa namin dun kasama ang iba kong kaibigan na climbers. Eto ay nun panahon na masasabi mong diserto ang lugar wala pang tanim na makikita sa paligid. Gosh! ayaw ko na isipin ang yun sobrang init sa pagbaba. Nagulat sila kasi narating ko na pala daw yun. Next daw nilang napuntahan ay ang Baguio City. Sabi ah ang summer capital. I been there also sabi ko lagi kapag naiisipan kong pumunta. Lalo na kapag Panagbenga Festival. Nagsmile sila dalawa...ang sumunod daw is Sagada na nun Dec 16 pa daw sila dun. Wow! ang tagal na nila to think na Dec 21 na ng gabi...Samantalang kami dumating ng Dec 21 uuwi ng 23 ng tanghali hehehe...So ang tanong ko uli saan kayo papunta after? Ang sagot nun dalawa Cebu daw. Oh Cebu! galing na din ako kwento uli ako sa pinuntahan ko dun. Nagulat sila bakit daw ang dami ko na napuntahan? Sabi wala lang gusto ko lang mamasyal. Sumagot yun french national na si Jake. Sabi I noticed you travel alot and you have lots of friends. Smile lang ako. Sabi ko member ako ng isang Organization ng mga mountaineers at sa paging member ko madami ako kaibigan sa buong Pilipinas kaya advantage at may nakakasama ako kapag nasa isang area ako ng Pilipinas. Oh! sabi ni Jake....balik sa kwentuhan....nirecommend ko sa dalawa na why don't you drop-by Bohol? Sagot nun isa is it worth to go there? Sagot YES! maganda ang Bohol sabi ko the famous Chocolate Hills, the Tarsier the smallest primate can be found there, the Loboc River, the famous Loboc Choir, the Panglao Beach, other outdoor adventure you can experience it in Bohol. Ang sabi ko from Cebu the can ride a ferry going to Bohol...Sabi nun dalawa sige daw puntahan nila. Aba!talagang walang ginawa ang dalawa kundi ikutin ang Pilipinas. Vacation daw nila ang last stop Manila. Well hindi na ako nagsalita about Manila alam na nila kung ano meron dito hehehe....Yun kasama ko si Bennie ang sabi nya namumukhaan daw nya ang Indian. Napanood daw nya sa Cable TV sa International News. Sabi tanungin nya...hindi nakatiis at tinanong ayaw pa umamin nun Indian, ang sabi nya twin brother daw nya yun na reporter. Pero binuking sya nun Malaysian sabi s'ya daw yun nagrereport sa new. hahaha...buking international report siya at yun Malaysian girl ay connected din sa isang news agency. Ang saya kasi dun pa namin nameet sila. Si Jake naman yun french national gusto matuto magtagalog. Ang tinuro ko lang ay salamat po for thank you... busy kasi makipagkwenuhan. Yun mga kasama ko kasi tahimik lang ayaw magsalita. Siguro nilalamig, nahihiya lang magsalita or hindi nila masakyan ang kwento ko kasi more ito sa adventure ng being climber hehehe....Maya-maya dumating ang isan Australian naman. Ang sabi ni barry sakin sya daw yun naikwento nya na nde nakapagsummit ng Everest. Kasi habang pabalik nun hapon na yun naikwento ni Barry na may bisita daw na Nagclimb ng everest pero nde sya pinayagan magsummit ilang distance na lang...So ang Australia pala na yun. So kinausap ko rin sya sandali. Pagkatapos nag-usap na kami ni Barry para sa susunod namin IT kinabukasan at maghapong hiking at pasyal na naman. Ang sabi nya alis daw kami ng 6:00am the next morning. Pero doubtful sya na kayanin namin. Sabi ko kaya yan. Napansin siguro n'ya na 1/4 day pa lang pagod na mga kasama ko hehehe....Isinabak ba naman namin 2 sa caving na galing pa sa biyahe. Pero tulog lang yun ok na the next day. So ang una puntahan ay ay Big Falls or Bomod-ok Falls kailangan ng sasakyan kasi malayo. So sabi ko sige magsasakyan tayo. Ang plan dapat after ay maghike na lang sa pag-ikot. Pero gusto ng mga kasama ko sumakay na para madali daw sa pag-ikot at malamang pagod na naman. So nagbayad na kami ng aming nainom at umuwi na kasi maaga pa kinabukasan. Sabi ng ibang bisita dun sa Bamboo Grill uuwi na kayo? sagot Oo kasi maaga pa bukas. Nabawasan sila ng makakausap na tulad ko na madaldal hehehe....so Good Night na sa kanila....Umuwi na kami sa Inn at na tulog....

Day 2 4:30 am

Ang aga ko nagising 4:30am nag-alarm na ang celphone ko. Nakiramdam ako sa kanila tulog pa. So wala lang pagulong-gulong lang muna ako. Pagdating ng 5:30am ayan na gumalaw na sila at nag-alarm na ang mga celphone.....Prepare ang sarili para sa maghapon pasyal. Ang dalawa namin kasama ay uuwi na nang tanghali. ang magkapatid na Donna at Nes. Ang ginawa namin ni Barry hiwalay ang guide nila si Jay. S'ya rin ang nagguide samin sa Sumanging Cave Speluking namin nun naunang araw. So early breakfast may naligo may nag-ayos ng mga dadalhin. Ako nakiramdam kung magtext si Barry pero wala. Ang akala n'ya siguro tulog pa kami hahaha...So ako na ang nagtext. Ok na kami Barry.... Sabay tinawagan ko pa. Aba! ang aga nga! Well sabi ko sa'yo kaya! Wait lang daw at hahanap s'ya ng sasakyan. Wait lang daw namin s'ya sa labas ng Inn...Ang grupo ay lumabas at naghintay. Mamaya-maya ay dumating na si Barry nasa L300 van na puti kasama si Jay at ang driver. Medyo natawa lang ako kasi ang expect ko jeep ang dala n'ya na usually na hire ng mga namamasyal. Ay! field trip o feeling ko school bus ng mga nag-aaral sa Manila. So sabi load-up alis na tayo. Sakay sa L300 unang bumaba ang magkapatid at si Jay. Sa paligid ng Sagada lang kasi sila kami labas ng Sagada then pabalik sa lugar. Bago bumaba ang dalawa sabi itext ko kapag nasa Banaue na sila at kung nakarating na sila sa Manila. So yun na ang huli namin pagkikita sa magkapatid. Kami patuloy sa pagbiyahe hanggang marating ang jump-off ng Bomod-ok Falls. Pagbaba tinanong ko si Barry kung ilang oras na trek? Ang sagot n'ya 1hr. hahaha! samin dalawa 1 hr....sa mga kasama ko malabo yun. So ang sabi ni Barry ang arrangement ay ang weakesss link sa kasabay n'ya hanggang kung sino ang dulo. Sabi ko ako ang Sweeper...So simula na ang paglakad. Pababang hagdan na maliliit na steps pababa. Naalala ko tuloy yun sa Batad namin hehehe...So lakad walang patid na lakad. Nakikita na namin ang pagtaas ng araw. Ang ganda ng paligid nagpahinga na ang ilan kasi medyo pagod na. May mga nakasalubong na kaming mga locals sa trail at binati namin ng Good Morning mga English Speaking locals sila. May dala kaming mga candies para sa mga batang masasalubong namin. Binigyan namin ang ilang mga bata na kasama ng kanilang mga magulang. Sabi namin Merry Christmas 3 days na lang kasi at Pasko na. Patuloy sa paglakad humahangos na sa uphill downhill na paghike...Narating din namin sa wakas ang community may kalayuan din sa Falls. Nagregister kami P10 each. Dun namin ipinamigay ang iba pang dala naming mga candies. Nagkulang ang mga ito kaya ang mga chocolates ko at jellayce ay pinamigay ko na rin para sa hindi mga nakaabot. Masaya naman ang mga bata at nagpasalamat sa amin. Pagkatapos patuloy na sa paglakad. Binaybay namin ang Pilapil ng terraces, umakyat bumaba sa walang tigil na daan papuntang falls. lakad lakad lakad....at ayan na ang falls narinig ko na ang lagaslas at ang itsura nito. Pagliko namin ayan WOW! ang ganda...umaangi ang bagsak ng tubig. Ang lamig sa lugar may mga bata na sumunod sa amin. Yun pala p'wede magpamasahe sa kanila P20 ang bayad bawat isa....Well sa katuwaan sila lahat nagpamasahe liban sakin. Hindi ko kasi feel magpamasahe sa bata walang epekto sakin ang masahe nila. Ang liliit ng mga daliri para lang akong kiniliti nila hehehe....ang ginawa ko ay inalok ko sila ng pagkain. Ang iba samin ay kumain habang ang iba ay busy sa picture taking. Si Barry ay inalok ko kumain. Ang sagot sige lang....at ang sabi hindi daw sya kumain ng Junk Food..Huh! parang ngayon lang ako nakarinig ng ganun! nahiya tuloy ako kasi ako ang takaw ko sa Junk Food. Pero hindi naman Junk Food ang inaalok ko biscuit naman. Kumain sya ng isang sachet lang. Tumagal din kami ng 45mins at balik na naman sa aming pinanggalingan. Sabi ni Gina saan daw kami dadaan pabalik? Ang sagot dun sa pinanggalingan natin. Huh! naku maraming paakyat! Mahina kasi sila ni Lorie sa paakyat na lakaran. So sabi ko pahinga-pahinga lang at makakarating din tayo. Umalis na kami pabalik kasi pupunta pa kami sa Small Falls or Bokong Falls. So sinimula ni Barry ang leadman then si Lorie dannie, Myles Gina at Bennie tapos ako ang Sweeper. Lakad, lakad, lakad....pahinga pahinga pahinga....nauna ka ako sa kanila kasi mas maraming pahinga hehehe...inunahan ko sila sa split trail baka mamaya maligaw. Doon ako nagtagal at hinintay silang lahat na naiwan. Nakita ko si Gina nanghihina na at namumutla. Sa sobrang pagod so pinakain muna namin s'ya. Ayaw kasi kumain kaya nanghihina. Noong ok na at malapit na kami sa itaas kung saan naghihintay ang sasakyan nauna na ako kasi ilang hakbang na lang naman. Nakita ko na si Barry at Bennie na naghihintay. Sila Dannie, Gina, Myles at Lorie ay nahuli ng ilang hakbang lang...Si Barry ay nakangiti lang sa amin....Ako medyo nahirapan kasi hindi ako p'wedeng mabilis kasi maiiwan sila. Ako ang sweeper so kailangan ko sabayan ang pinakamabagal sa group. Pero ok lang ang importante eh safe lahat sila at nag-enjoy. Regroup kami sa van. Nandun na ang driver, tinanong ko si Barry kung ano ang susunod? Sabi n'ya Small Falls...kanya-kanyang tanong na ang natanggap ni Barry. Ga'no ka layo? Matagal ba ito puntahan? Matarik ba? Ang sagot n'ya 15mins treking pababa....sandali lang. Pero 3 na ang nagpasya na maiwan. Si Dannie, Lorie, at Gina....Kaming 3 si Barry Myles, Bennie at ako ang pumunta. Binaba namin ang lugar at sandali lang naman. Ako na naman ang dulo to secure them. Ayun! maganda ang small falls para s'ya isang reservoir na maliit sa probins'ya ng mother dearest ko. so picture konting pahinga at nagbasa ng paa...pagkatapos balik sa L300 van. Nagulat sila at mabilis daw. Dinatnan namin na nakahiga si Dannie sa upuan at si Gina. Si Lorie naka-taas ang paa....Usap uli kami ni Barry...saan na tayo? balik sa bayan lunchtime na...Niyaya n'ya ako sa kasalan para maglunch. Sabi ko dun na lang kami sa resto kakain. So biyahe kami balik sa bayan. Kami kumain ng lunch sa Masferre's Restaurant...Sila ng driver ay pumunta sa kasalanan at kumain. Ang sabi ni Barry kapag ok na itext s'ya at balik sa pagpasyal.

Lunchtime...break rest....early shopping sa kalapit na souvenir shop habang niluluto ang aming pagkain. mahal din ang mga souvenirs nila compare sa Banaue. Nakakagulat ang presyo nila. After mamili balik sa restaurant at kumain na kami. Gutom sa walang tigil na lakaran ng half day. Marami pa tayong puntahan kaya ihanda pa ang mga sarili. Ako napagod na rin kasi mabagal ang facing ng lakad namin. Hindi ako sanay na ganun ka bagal. So kain kain kwento dun kwento dito tawanan habang nagpapatunaw ng kinain. At nang refresh na uli tinext ko na si Barry at sabi ko ready na. Ang sagot n'ya sige meet ko kayo sa SEGA office alam mo na yun dun sa may mesa sinabi kos sa iyo. So sabi sa mga kasama ko puntahan namin ang area. Nakita ko yun driver namin at ang van. Naglalaro ng chess at katatapos lang nun game niligpit na n'ya at aalis na kasi kami. Sabi n'ya sumakay na sa van...may natulog na 2 lalaki sabi ko. ginising nya at sakay dumating na din si Barry.

Sabi ni Barry sa Lake Danum tayo...biyahe papuntang sa lake pagdating namin nyak! ang namamatay na na lake...nakita ko ito sa picture ng mga kasama ko sa MFPI nagcamp sila galing sa Bontoc Circuit Trail. sus maria! eto pala s'ya...picture lang sandali kwento si Barry at load-up na naman...

Next stop Sagada Pottery....ang version ng Vigan Pottery kung saan aking napuntahan na 2 taon na nakalipas. Pagdating namin ang sabi Welcome to the Pottery....ang bumati samin ang lupa na nakalagay sa palanggana na may panghalo. Feeling ko isa akong bruha na naghahalo sa isang malaking kawa! at sinasabi sino ang pinakapanget dito ipakita mo sakin hihihihi....Pagkatapos pumasok kami sa loob. Tahimik nameet namin ang isan Potter sa aking pagtatanong sila daw ay 7 potters sa pagawaan. Ang sabi ano ang pagkakaiba ng pottery nila kaysa Vigan. Ang sagot ni Mr. Potter( hindi sya si related kay harry) ang sa kanila daw ay stone type na pottery. Ipinakita n'ya sa amin sa maliit na gallery ang finished product ng potteries malaking pagkakaiba nga. Mukhang bato ang itsura ng yari pero gawa s'ya sa clay. Yun sa Vigan kasi ay kung ano yun itsura ng usually na palayok ang texture ng finish product doon. Nakipagkulitan kami picture taking kay Mr. Potter at nagpasalamat sa kanyang pagtanggap sa amin. Si Barry may dalang karton. Sabi para saan yan? Humingi daw s'ya ng basag na mga potteries display n'ya sa Bamboo Grill piliin mo yun maganda ang pagkakabasag yun may art. Tapos umalis na kami. Next Sagada Weaving...babaan ang lahat..ang entrance ay ang makikita mo ang finished products ng mga hinabing tela at ang mga nagtatahi ng mga iba't ibang bag, purses at iba pang producto na yari sa tela na hinabi. Picture na naman...haaaayyy..walang tigil tlagang documented lahat. Pagkatapos sabi kung p'wede ba namin makita ang process ng paghahabi? Tinuro ni Barry na nasa likod na parte ng lugar. Pinuntahan namin ang lugar. Walang naghahabi sa mga oras na iyon. Siguro break pa pero makikita mo na may inaayos silang mga sinulid. Si Barry tumulong pa at may mga hindi tapos na gawa..picture na naman....pagkatapos umalis na kami at nagpasalamat sa mga tao na nadatnan namin.

Underground River naman tayo!!!! Tanong na naman gano katagal? hahaha.... paakyat or pababa? sinagot ni Barry ang mga tanong nila na nakangiti...hehehe...ako din naaliw na sa mga tanong nila. Pagdating sa area ayun lakad ng mga 15 mins s'yempre sweeper na naman ako. Kami ni Gina ang magkasama. Pagdating sa bibig ng Underground River may isang baging na hahawakan pababa kasi maputik at madilim. May bato na malaki at kung hindi ka nag-ingat ah mauuntog ka. So ang ginawa ko nauna na ako. Inalalayan ni Barry ako. Sabi n'ya humawak ako sa baging. Sabi ok lang kaya ko na. Hindi ko na ginamit yun. Bumababa ako na patalikod na mas madali kaysa may baging. Hinintay ko na sila sa baba nandun naman si Barry nakabantay sa kanila....the usual picture may video galing sa phone...nagpapicture ang group si barry ang photographer hehehe....nun ok na ang lahat balik na uli sa dati. sakay sa van last stop na...

Sa St. Mary's Espiscopal Church, Papuntang Echo Valley (Hanging Coffin the Sagada way of Burial), Calvary Hill (the typical semeteryo ang the usual na paglilibing naten) kami...sa madaling salita sa sementeryo. Bumaba sa van lakad na naman. Tanong na naman sila gano kalayo hahaha...sobrang gasgas na tanong matatapos na ang maghapon yun na naman ang narinig ko. The usual sinagot ni Barry at nakasmile. Naaliw na talga ako sobra sakanila. So lakad sweep ako...lakad lakad lakad sa Echo Valley kami makikita ang hangging coffin. May 7 month old na hangin coffin na itinuro si Barry sa amin. Nagtanong ako sa kanya tungkol sa practice ng paglilibing nila. Si Barry ay isan local ng Sagada may Spanish at Igorot decendant s'ya. Yun tanong ko ay sinagot naman n'ya. Ang sabi n'ya naniniwala pa din sila sa paglilibing thru hangging coffin kasi daw free na makakagalaw ang spirit kapag ganun ang paglilibing. Sa sementeryo daw kasi ay natatanuman ng lupa or nasa nitso kung saan nakasemento. Tinanong ko kung pano pinipreserved ang katawan ng patay? Ang sabi ko kasi gaya ba ito ng nakita ko sa community sa baba ng Mt Pulag nun naghike kami dun. Ang matandang patay ay naka-upo sa may hagdanan at dinadasalan may nagpapaypay at pinapausukan ang gawin ilalim. Ang sagot n'ya hindi daw. Gaya ng pag embalsamo natin sa mga patay tapos inilalagay sa coffin. Pano ang paglilibing? Ang kulit dami kong tanong. Sbi ko gaya ba ng paglilibing ng gaya namin? Ang sagot nya oo, dun sa trail na dinaanan ninyo pababa ang daan sumasama ang mga kamag-anak. Pagdating sa area akyat then patong akyat patong hanggang marating ang pagsasabitan ng coffin sa cliff. Wow! ang hirap pero kakaibang kaugalian sa paglilibing. Pagkatapos ay nagbiro pa si Barry p'wede daw magpareserved kung gusto namin magpalibing sa sagada. Free daw hahaha...Loko! Ang sagot ko masyadong hassle kung mamatay ako sa Manila at doon magpapalibing. Pero parang gusto ko ang ganon style hindi ako nagbibiro. Seryoso ako! Nagsmile lang sya.... Pagkatapos namin dun...lakad pabalik...

Calvary Hill at St. Mary's Church ang sementeryo na typhical kung saan naglilibing ang mga taga-Sagada na ginaya na ang ating paglilibing. Picture lang sa sementeryo walang patawad..hahaha...tapos sa church na kami. picture sa old windmill, sa harap ng St. Mary's church at sa bell na ginamit pa nun 1921....dun na ako iniwan ni Barry nagmamadali na sya umalis at busy kasi. Ang sabi nya sa Bamboo Grill na lang daw uli kami magkita. Dali-dali nagtext na parang may kausap pa bukod samin.... busy bee busy talaga....So ang group ay bumalik sa plaza. May nakita kaming p'wede bumili ng gulay na at ilang kailangan para sa aming panghapunan kaya bumili kami. Ang iba ang pumunta sa mga souvenir shops para mamili. Ako since gutom na rin bumili ako ng pie na gawa sa Sagada at mineral water kumain na ako gutom na rin. Napagod ako sa paghihintay sa kanila kasi hehehe......Pagkatapos balik na kami sa SEGA kasi nandun ang L300 ayaw na ng mga kasama ko maglakad. Mabagal na sila at masasakit na ang mga paa. So hinatid na kami sa Inn since wala na si Barry ako na ang umupo sa unahan nakipagkwentuhan na lang ako sa driver. Nalaman ko na ang pangalan n'ya pala ay si Biloy. Hindi man lang ipinakilala sa amin ni Barry s'ya. Ang sabi thank you sa pagdrive n'ya ng sasakyan at paghatid sa amin. Sa ilan sandali nasa Inn na kami. Akyat sa kanya-kanya kwarto. Ang iba ay humiga agad sa bed sa pagod ang iba nagmerienda. Ang inayos ang kinalat kong gamit nagready ng malinis na damit nagwash-up na ako. Ang init at nangangati na ako sa pawis. Pagkatapos eh inayos ko na ang mga gamit ko para sa pag-uwi kinabukasan. Napansin ko walang gumagalaw para magluto ng hapunan. Si Myles busy na tinitignan ang videos na kuha n'ya sa aming adventure na simula pag-alis namin ng Manila hanggang sa mga oras na yun. Bumaba na ako at nagsaing, niluto ko na ang mga delata na dala namin. Nakita ako ni Tita Mary na mag-isa sa kusina. Ang sabi n'ya nasaan daw ang mga kasama ko? Ang sagot Tita Low Bat sila nasa itaas nagpapahinga. Kwentuhan kami sandali at iniwan na ako ni Tita. Maya-maya bumaba na si Myles para tumulong kasama si Lorie. Ang sabi ayusin na ang mesa at kakain na kami. Tawagin na rin ang mga naiwan sa itaas para makakain. Kumain ng dinner kwentuhan sa maghapong adventure namin. Pagtapos si Bennie nagyaya bumili ng alak inuman daw. So since nagyaya bumili kami ng alak pero sarado na ang mga tindahan pano pasado 8PM na. Sa madaling salita curfew na uli...haaayyy....Ok lang pumunta kami sa Bamboo Grill para bayaran ang dapat bayaran yun guide fee at ang rent ng sasakyan. Dun na kami bumili ng SMB hindi na kami nagstay kasi ayaw na ng mga kasama ko napagod sila. Kinausap ko si Barry ang lunch namin sa Olabinan Resto na lang na sa kanila din. Wala nang time magluto ng lunch kasi uuwi na kami. So ok daw walang problema. So nagbabye na kay Barry balik sa Inn... Inuman sa inn tig-isang bote lang hehehe....mahina naman sila sa alak eh. Kwentuhan pagkatapos sabi ko iready na ang mga gamit nila at uuwi na kami ng 10am. Hintayin namin ang sasakyan na galing sa Banaue si John na nakausap namin na s'ya sasabayan namin papuntang Banaue para sa biyahe pabalik ng Manila. Sabi ko sa mga kasama ko free time na bukas so pwede medyo tanghali na gumising at bahala kayo kung ano ang p'wede ninyo gawin. Binigyan ko sila ng option na pasyalan ang Yogurt House na 3 bahay lang ang layo sa tinutuluyan namin... So nagpahinga para sa susunod na araw...lights out good night...


Day 3 between6:00am- 7:00am
Good morning uli....ako na naman ang naunang gumising! Naligo na agad ako habang hinihintay silang magising. Pagkatapos ko maligo inayos ko na lahat ng gamit ko para ready na pauwi. Dahan-dahan na silang nagising at nagprepare. Ang sabi ko kina Lorie, Myles at Gina p'wede kami pumunta sa Yogurt House for breakfast. Hinintay ko sila matapos at bumaba kami sa dinning room. Nandun sila Dannie, Bennie at si Tita Mary. Binati ko si tita ng good morning. Ang bait ni tita kasi naghanda pa s'ya ng arabica coffee para sa amin for breakfast. Sabi pagbalik namin from Yogurt House titikman nila ang coffee kasi ako n'de ako nagkakape eh... Tinungo namin ang Yogurt House na malapit lang pala...Nag-order ng s'yempre Yougurt na may gradola at banana...Well sabi nila masarap daw ang yogurt at wag aalis ng Sagada na hindi natikman ang yougurt. Sinimulan ko nang kainin pero nyak! hindi na bago sakin ang yogurt kasi bata pa ako kasama na sa breakfast ko ang yougurt. Hmp! sus akala ko naman kung ano ang sinasabi nilang masarap pareho lang naman mas maasim na di hamak ang yogurt ng yogurt house kaysa kinakain namin ng dad ko at sis ko na yogurt. Homemade ito na gawa ng helper sa bahay ng American na Expat sa American Embassy kung saan ang aking dad ay dating nagtrabaho. Sa ngayon wala na retired na ang dad ko kaya wala nang yogurt. Ang commercial yogurt na ang nakakain ko. Pagkatapos nauna na sila Myles, Gina at Lorie sa Inn. Ako pumunta sa plaza kasi may binili pa. Pagtapos tuloy na sa inn...Pagdating ko sa inn nakatanggap ako ng text na ang sasakyan na aming sasabayan n'de daw makakarating kasi wala s'ya pasahero papuntang Sagada. So sa sobrang taranta ko dahin 9am na ng umaga. Tinawagan ko na si Barry na iprepare ang lunch namin ng maaga. Si Dannie at Bennie ay tinext ko na bumalik na sa inn kasi kulang na ang oras. Pasaway na John! Biglang nawindang ako...Uminit ang ulo ko sa ginawa n'ya. Nagbayad na kami ng Inn's fee pagkatapos tinanong ko kung anong oras ang last trip papuntang Bontoc? 12nn kaya medyo kaya pa. Ang last trip sa Bontoc naman papuntang Banaue ay 1pm...so kailangan namin makaalis na para mahabol ang oras...nagpaalam na kami kay tita Mary...Byeee...hanggang sa muli...lakad papunta sa Olabinan Inn...dun na kami naglunch. Iniwan namin ang gamit sa Bamboo Grill kasi nahirapan na sila bumababa sa hagdan. Pagkatapos picture taking na naman huh! ang inn nila Barry na naman ang napagtripan na kulitin. Pagkatapos balik sa Bamboo Grill para kunin ang gamit. Nagpaalam na ako sa aking kaibigan na si Barry nagpasalamat sa lahat ng assistance n'ya sa amin. Kahit busy s'ya nagguide pa rin s'ya para sa aking mga kasama... sa dalawang araw namin pagtigil sa Sagada ay napasyalan namin lahat ang dpat pasyalan sa tulong n'ya. Nagpasalamat din s'ya sa amin...At kami pumunta na sa plaza kung saan nahihintay ang jeep na biyaheng Bontoc. Iniload ang gamit hinintay na mapuno ang jeep so picture na naman haaaaayyyy....Naghintay din kami at sabi ng driver aalis na daw yehey! 45 mins na baku-bakong daan at maalikabok na naman...so ready our gadgets para sa alikabok. tara na biyahe tayo..... ang pamasahe namin ay P45.00 each...


after 45 mins nasa Bontoc na kami....transfer ng sakay sa gilid ng town hall ng bontoc dun ang terminal ng papuntang Banaue...Last trip na buti na lang umabot kami....naghintay pa kami ng ilang minuto para sa ibang pasaheros at habang naghihintay picturan sa harap ng Bontoc Town Hall...pagkatapos load-up biyahe na uli...2hrs ang biyahe at ang fare ay P130 ang isa....biyahe sa maalikabok na daan baku-bako tinahak ang gilid ng mga bundok this time wala nang sumisigaw nang nay nay nay....naubos na ang nerbiyos at takot nila. Tawanan at biruan na ang maririnig mo. Dumadaig na masakit ang mga paa at binti sa 1.5 na araw na pamamasyal sa Sagada. Nagstop-over ang jeep sa parteng Mt Polis foggy ang paligid ng kami huminto. May ikinarga na isang sako at nagtopload si manong....karamihan sa sumasakay sa area ng mt prov ay sa topload kasi mas ok daw doon sa itaas kasi less ang alikabok. weird naman na dahilan...patuloy ang aming paglakbay hanggang marating na namin ang Banaue ng mga 4:30pm na ng hapon. Nagpahatid na uli kami sa People's Restaurant para sa early dinner....Pagdating namin order ng pagkain at habang niluluto namili muna kami sa mga kalapit na tindahan ng mga iba pang pasalubong....shop shop shop....then balik sa resto para kumain...picture uli....pagkatapos sumakay kami ng tricycle papunta sa Autobus. Biyahe uli pero sementado na hehehe...Pagdati sa Autobus kami ang unang passengers na dumating. Kinausap ko kung pwede na namin ilagay ang gamit? oo daw... so load ang mga gamit pagkatapos bumaba muna kami mahaba pa ang oras...namili uli sa tindahan na nasa terminal....kwnetuhan habang naghihintay. nagdatingan na ang ibang pasaheros nagsakayan na sila...umalis kami ng Banaue ng pass 6pm na...biyahe na papuntang manila...Byeeeeee...Banaue....hanggang sa susunod na pagbabalik....kelan? hindi ko masabi basta ang alam ko babalik ako maaring umakyat ako sa bundok o bumalik sa Sagada uli.... abangan ang susunod na adventure ko...kung sino ang kasama ko basahin ninyo na lang dito...

para sa mga larawan icheck ang link....



enjoy reading and viewing