Tuesday, January 15, 2008

Late

Ay naku! bagong umaga na naman...dalawang araw na akong late. Kakainis...ang hirap sumakay. Pano nagkakahulihan na naman ng mga sasakyan dun sa area namin. Kahit maaga kang umalis ng bahay pagdating sa terminal wala ka naman masakyan. Nakakbagot ang paghihintay sa mahabang pila ng mga nag-oopisina sa Makati. Nagpalipat na nga ako ng oras para hindi malate pero wala late pa din. Mabuti pa mas maaga ako ng 1 hr pa para sigurado na hindi ako mahuli na naman... Pagdating sa office wala pa akong gagawin kundi maghintay kung may magagawa ako. Nakakainis malate ka pagdating mo sa office uupo ka lang para maghintay ng gagawin. Haaayyy...mastress ka sa walang dahilan lang. Masarap pa sana matulog kaso nakakainis kailangan mong gumising para pumasok sa opisina...Simula pa lang ng taon ganito na. Sabi nga ng kasama ko take your time kasi kapag dumating na ang load mo eh hindi ka na naman makausap ng matino sa dami ng trabaho mo. May punto s'ya pero sa ganitong sitwasyon mas gusto ko pa matulog sa bahay kaysa ganito wala lang nakaupo at naghahanap ng gagawin....

Sana bukas hindi na ako late at may gagawin na ako ....ay meron pala ang mag-upload ng mga napdf ko. Pagkatapos wala na naman pahinga....

No comments: