Tuesday, January 15, 2008

Bagong Taon, Bagong Buhay? Ito ay bagong Adventure na naman ng buhay

Ang People's Park kapag walang Fog...kuha ko ito sa lugar 2 years ago kung saan Nag-New Year ako sa bahay nila kuya...photo taken dec 31 2005


Reminiscing the passsssttttt...








January 1, 2008 (lower photo)






January 1, 2008

Simula pa lang ng taon ang aking destination sa Tagaytay...Yep..yep..yep Tagaytay sa lugar ng pinsan ko. Sinundo kami ng aking kuya sa bahay para mamasyal sa Tagaytay. Kasama ng aking mga magulang at isa ko pang pinsan pumunta kami ng Tagaytay. Biyahe na naman Malamig ang simoy ng hangin. Si kuya late dumating pano may hang-over pa kagabi. Buti na lang at hindi ako nag-New Year sa kanila. Pati ako lasing din for sure. Tinamad akong pumunta kasi sobrang trapik at may ginagawa akong kailangan kong tapusin... Naghiwalay ang taon kulang ako sa tulog. Unang New Year na wala ang aking nag-iisang kapatid. Nagtrabaho sa Singapore bilang nurse. Kaya naiwan akong mag-isa sa Pilipinas. Patuloy sa pagbiyahe kwentuhan sa loob ng sasakyan. Ako tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Mararamdaman mo lang ang lamig ng simoy ng hangin pagdating ng Silang Cavite. Malapit na sa Tagaytay....Nagshort-cut si kuya para madali daw kami....Pero sa halip na mapadali ayun tumirik ang sasakyan. Ay naku! may hang-over nga...nakalimutan icheck kung may gasolina pa...3 mechanics ang kasama ko sa loob ng sasakyan pero eto tinirik kami sa tahimik na short-cut daw....Si kuya bumili ng gas habang kami naghihintay sa kanya....Mga 20mins din bago kami nakaalis sa lugar. Tuloy sa pagbiyahe hanggang nakarating kami sa main road papuntang Picnic Groove kung saan malapit ang bahay nila kuya....Dumaan kami sa masasabi kong naimproved na mga establishment sa lugar. May isang taon na rin nang muli akong bumalik sa lugar. Makikita mo ang ganda ng Taal Volcano habang kami pa papalapit sa kanila bahay. Naalala ko tuloy noong dinala ko ang aking mga kaibigan na magtrek papunta sa bibig ng Taal Volcano. Sa Nasugbu kami dumaan pagkatapos nagbangka kami papunta sa isang parte na dati dito daw una pumutok....Dinala ko ang mga kasama ko mismo dun sa lawa sa bibig na Taal makikita mo mismo ang islets sa gitna...Alert level 3 nun kami pumunta. May kasama naman kaming guide sa area... reminiscing ba talaga....


(check picture sa part na ito sa itaas)


well balik sa aking kwento...

Nakarating kami kina kuya....Kumustahan sa aking ate at isa iba pang mga kaibigan masayang kainan at kwentuhan.... Ako nakipagkwentuhan at nakipagbiruan sa aking mga pamangkin nadalagita at binata na hehehe...Mukhang napag-iwanan na ako ng panahon hahaha....Si kuya naman ay nagyaya na ipasyal ang mother at dad ko sa People's Park....Sabi sige go para may magawa naman....Sakay ng kanya owner type jeep umalis kami sa bahay at pumunta sa People's Park. Sa aming pagbiyahe unti-unti na dumilim naku! malas nagfog...kumakapal ang fog at umuulan na pakiramdam ko ang ulap ay nasa malapit na...Pagdating namin sa area ang sasakyan ni kuya nakarating sa itaas na parte ng People's Park. Kilala nya ang ilan na nagbabantay sa Entrance. Pagbaba namin ay sumalubong na ang kapal ng fog malamig na sobra. Ang jacket ko ibinigay ko na sa mother ko kasi nanginginig na sa lamig. umakyat kami sa gawing part itaas kung saan kung wala fog eh makikita mo ang view ng buong Batangas, Cavite at karatig bayan...pero wala akong nakita sa mga oras na yun kundi fog fog at fog. Ang ganda ng New Year haaaayyyy.... Nagyaya na si mother na bumalik sa bahay kasi wala naman daw makikita. Si dad naman dala ang kanyang telescope pero hindi nagamit. hehehe...So bago kami bumalik nagpapicture na lang para kahit pano may nagawa....Biyahe pababa....kwento dito kwento dun. Ako ayun naangihan ng ulan pano nasa gawing tabi ako. Ang sabi ni kuya papapsok kami sa Picnic Groove...Pinuntahan namin ang lugar pero wala umikot lang kami ang daming tao sobra. Ako ok lang na hindi na bumaba kasi ilan beses na ako nakapunta dun eh. Kapag walang magawa sa bahay punta ng Tagaytay wala lang pasyal pang-alis ng bagot sa bahay....Bumalik kami sa bahay para iready ang mga gamit at uuwi na kami ng Manila.... Back to barrack hehehe...nagsnack pagkatapos inaayos ang gamit at umuwi na kami....Ang ganda ng Bagong Taon adventure ba na masasabi ito or hindi pero isa lang ang masasabi ko unang pasok ng taon nasa Tagaytay ako hehehe....

No comments: