Friday, July 4, 2008

Ano Petsa na?Summarize Update

At long last nalagyan ko na naman ng entry ang blog ko. Bukod sa napahinga na ang utak ko sa mga bagay-bagay na nakakastressed eh! naisipan ko buksan at balikan ang mga entries ko dito. Hmmm...let me count the events sa buhay ko? Since February pa ang entry ko sus! ang dami na pangyayari at nakalimutan ko na sa daming masasaya at malulungkot na pangyayari hehehe ;=)
March masaya kasi nagbirthday ang MAMA kainan na walang patid na isa sa hobby ko hahaha....Holy Week! hmmm....tahimik na nagpahinga sa bahay nagpakabait at nagreflect sa mga sablay na mga nagawa ko! Nyak! as if natuto na rin sa mga ginawa ko...Ano uulitin mo pa? Hmmm...hindi na nagsisi na ako Holy week nga eh! hehehe....April? Masaya kasi nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko sa Baler, Quezon para sa Mountaineering Congress namin. Imagine ang mga friends ko from VIS-MIN nagkita-kita uli kami after ilan taon? hmmmm...tsk tsk tsk! 2 years hehehe...ayun merry making Inuman, kwentuhan, kainan, at iba pang magagandang outdoor activities sa Baler. Important din ang BUWAN na ito kc birthday ko lang naman! Ayun tumanda na ako uli harharhar! Mukha na ba akong matanda sa itsura ko? Tinignan ko sa salamin hmmmm.....hindi ko alam? oh ayaw ko lang sagutin? Sa totoo matanda na nga! pero marami pa din nagkakamali sa edad ko. nakakaguyo pa rin hahaha!Compliment man or hindi salamat sa inyo! MAY? santa cruz time well hindi ako kasama sa Sagala! Pero ito yun time na naging issue ang mga kapatid natin na GAYS sa Santa Cruzan. Ang sabi nalalapastangan daw nila ang Virgin Mary? hmmmm....naging sandaling issue ito sa Catholic Church pero ayun namatay rin haaaayyy... June wedding time YES! kasalanan time ang JUNE! Haller! bakit ako hindi pa kasama sa ikakasal HAHAHA! huy! ano petsa ka pa magpapakasal? Look who's talking? Teka konsensya ko yata ito? Nagpapatawa ka ba? Mahirap ang buhay ngayon. Wala pa akong nahanap na puputol ng sungay ko eh...Wala pang nadadapa hahaha! Ayun yun BF ko na 3 yrs mahigit break na kami hehehe....Good! Good! na rin....complicated na ewan ko bakit nagkaganun! Pero sige search na lang uli Pink Panther. Ganun lang ang buhay move on hehehe.... Ang motto ko ngayon The Lonely Planet Wanderer who is searching for Mr. RIGHT! Teka meron ba talagang Mr Right? Ilang bundok na ang narating ko nagalugay ko na rin ang patag wala naman MR. Right! Siguro hindi ko napansin na may dumaan? Well kung nandyan ka magparamdam ka na lang...Bago umalis ang last trip sumakay ka na hihihi...Pero seryoso wait and see kung ano pa mangyayari sa susunod pa mga panahon. Mahal ang bigas nagkakagulo pa kc sa calamity na dumating. Pero BRAVO! ang mg FILIPINOS still standing pa din hehehe...July ngayon ang Independence day ng USA...sila may crisis din! Nanalo si PACMAN nun laban nya last Weekend kay Diaz! NAGBUNYI na naman ang SAMBAYANAN pansamantalang tumigil ang buhay ng FILIPINOS dahil kay PACMAN. At ang panghuli eto ako nakaupo sa harap ng PC ko eto encode ang blog ko. Bukas susunduin ko pa ang kapatid ko pauwi galing SINGAPORE! Welcome Home SISTAH! PASALUBONG na binili mo sakin wag mo kalimutan ibigay hehehe....

1 comment:

Anonymous said...

Whenever the term detox methodsification is mentioned, many immediately associate it
with strict diet control and stay-at-home treatment.
What is detox methodsification detox methodsification comes from the ancient Egyptian and Greek cultures.

Even fewer products have adequate independent customer feedback to validate the company's claims. Have fresh fruits and other vegetables. Over regular caffeine and aerated drinks. From just combining two teaspoons of sea salt.

Stop by my web page ... web site